𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗔𝗚𝗥𝗜-𝗧𝗢𝗨𝗥𝗜𝗦𝗠 𝗔𝗡𝗗 𝗧𝗥𝗔𝗗𝗘 𝗘𝗫𝗣𝗢, 𝗕𝗨𝗞𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗦𝗜𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪

Bukas na simula ngayong araw, April 12, ang Pangasinan Agri-Tourism and Trade Expo na bahagi ng pagdiriwang ng 2024 Agew na Pangasinan at Pista’y Dayat.

Tampok sa nasabing aktibidad ang produktong hatid ng mga Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) mula sa iba’t-ibang bahagi ng lalawigan.

Nauna na ring naglabas ng schedule ang Pamahalaang Panlalawigan para sa iba’t-ibang mga aktibidad na nagsimula noong April 5 at magtatagal hanggang May 5.

Samantala, target ngayon ng kasalukuyang administrasyon ang mas maipakilala pa ang kultura, sining at turismo ng Pangasinan kasunod ng mga aktibidad na inihanda para rito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments