𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗚𝗕𝗘𝗕𝗘𝗡𝗧𝗔 𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗔𝗦𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗛𝗜𝗟𝗜𝗣𝗣𝗜𝗡𝗘 𝗖𝗢𝗖𝗢𝗡𝗨𝗧 𝗔𝗨𝗧𝗛𝗢𝗥𝗜𝗧𝗬

Mag-uumpisa na ang pagbebenta ng asin ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa pamamagitan ng Pangasinan Salt Center sa Philippine Coconut Authority.

Ito ay kinumpirma mismo ni Vice Governor Mark Lambino. Aniya, ito umano ay makatutulong sa pagpapalago ng coconut industry, dahil ito ay magagamit bilang pataba sa kanilang mga seedlings, gayundin sa iba pang mga layunin.

Paniniguro naman ni Vice Governor Lambino, na muling lalago ang industriya ng asin sa Pangasinan sa mga ganitong hakbangin, dahil hindi nalamang nakatuon ang probinsya sa pagpoprodyus bagkus ay sa sales at marketing na rin.

Samantala, ang naturang hakbang ay isa umanong welcome development para sa industriya ng asin sa probinsiya, lalo na’t makatutulong ito sa pagpoprodyus ng mapunan ang supply nito sa buong Pilipinas.

Inaasahan naman na pipirmahan na ang Memorandum of Agreement ng Gobernador ng lalawigan sa lalong madaling panahon, upang maisapormal ang nasabing programa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments