𝗣𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗟𝗜𝗘𝗙 𝗦𝗨𝗣𝗣𝗟𝗜𝗘𝗦 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗦𝗜𝗔𝗢, 𝗡𝗔𝗚𝗦𝗜𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗡𝗔

Inihatid na ng Department of Social Welfare and Development Field Office 1 ang relief supplies para sa mga residente ng Calasiao na apektado ng pagbaha.

Matatandaan na isinailalim ang bayan sa State of Calamity matapos mabaha ang 13 barangay.

Nasa Dalawang libong Family Food Packs ang nauna nang inihatid sa mga residente.

Matatandaan na na tinanggap na rin ng lokal na pamahalaan ng Balungao ang nasa 2, 398 FFPs habang 2, 570 naman sa lokal na pamahalaan ng Umingan upang maipamahagi sa mga lubos naapektuhan ng epekto ng nagdaang bagyo.

Samantala, sa datos ng DSWD FO1, nasa higit 30k na mga pamilya ang bilang ng naapektuhan sa lalawigan ng Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments