𝗣𝗔𝗠𝗨𝗡𝗨𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗥𝗚𝗬. 𝗣𝗜𝗡𝗢𝗠𝗔, 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗔𝗚𝗠𝗔𝗠𝗔𝗡𝗘𝗛𝗢 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗟𝗦𝗔𝗗𝗔

Cauayan City – Muling nagbigay paalala ang pamunuan ng Brgy. Pinoma, Cauayan City, kaugnay sa pagmamaneho ng mga motorista sa kalsada.

Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay Brgy. Captain Romeo Gallema, kanilang na-obserbahan na marami sa mga motorista sa kanilang lugar ang walang pakundangan sa pagmamaneho ng mabilis.

Aniya, karamihan pa sa mga ito ay mga estudyante pa lamang na wala pang mga lisensya at madalas ay hindi pa umano nagsusuot ng mga proteksyon katulad ng helmet.


Sinabi ni Kapitan Gallema na ikinababahala nila ito sapagkat posibleng masangkot sa aksidente ang mga ito kapag hindi naging maingat at responsableng driver.

Dahil hindi naman umano nila basta-basta mapipigilan ang mga ito na magmaneho lalo na’t motorsiklo ang ginagamit nila sa pagpasok sa paaralan, isa sa naisip nilang gawin bilang safety measures ay ang paglalagay ng humps sa ilang bahagi ng kalsada sa kanilang nasasakupan.

Paalala naman ni Kapitan Gallema lalo na sa mga magulang na gabayan at pagsabihan ang kanilang mga anak upang maiwasan na masangkot ang mga ito sa kapahamakan.

Facebook Comments