𝗣𝗔𝗡𝗔𝗡𝗜𝗠 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗟𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗧𝗢𝗡𝗜𝗢, 𝗡𝗔𝗚𝗦𝗜𝗧𝗨𝗠𝗕𝗔𝗛𝗔𝗡

CAUAYAN CITY- Matinding pagkalugi sa mga rice farmers ang naging dulot ng Bagyong Enteng sa Brgy. San Antonio, Cauayan City, Isabela.

Sa panayam ng IFM News Team kay Punong Barangay Roosevelt Perido Jr., bagama’t walang nangyaring pagbaha at walang mga punong kahoy na natumba, tinatayang nasa limampung porsyento naman ng palayan ang natumba sa paghagupit ng bagyo.

Aniya, pangunahing suliranin ngayon ng mga magsasaka sa kanyang nasasakupan ay ang iniwang pinsala ng bagyo.


Kaagad naman umanong nagsagawa ng monitoring ang mga opisyal ng Barangay upang suriin kung gaano kalaki ang naiwang pinsala.

Samantala, umaasa naman si Kapitan Perido na insured ng PCIC ang mga apektadong rice farmers dahil maaaring makatanggap ang mga ito ng cash assistance mula rito.

Facebook Comments