
βCauayan City – Isang bagong yugto ng tagumpay ang nabuksan para kay Engr. Jeune Andrei Orial Garcia ng Angadanan, Isabela matapos niyang maipasa ang Mechanical Engineers Licensure Examination (MELE) nitong Pebrero 2026.
β
βSiya ay nagtapos bilang Magna Cum Laude ng kursong Bachelor of Science in Mechanical Engineering sa Saint Louis University, kung saan hinubog ang kanyang kakayahan at kaalaman sa naturang larangan.
β
βKabilang siya sa 101 na pumasa mula sa 147 examinees ng kanilang paaralan, na nakapagtala ng 68.71% passing rate.
β
βSa mensahe ng kanyang mga magulang, ipinahayag nila ang taos-pusong pasasalamat at pagmamalaki, kasabay ng paalalang manatiling mapagkumbaba at gamitin ang kanyang propesyon sa paglilingkod sa kapwa.
β
βAng tagumpay na ito ay hindi lamang personal na panalo kundi karangalan din para sa kanyang paaralan at sa buong Isabela.
β
βSource: RCVN
————————————–
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan










