Mariing pinabulaanan agad ng hanay ng Department of Public Works and Highways Regional Office I sa umano’y pagsosolicit ng pera sa text message ng isa sa kanilang opisyal.
Ang pangalan kasi ng kanilang DPWH Regional Director, ginagamit sa pang scam kung saan nagsosolicit ng pera gamit ang isang di kilalang cellphone number.
Mariing ipinahayag at nilinaw ng ahensya sa kanilang Facebook page post na wala anuman ugnayan at hindi kailanman nagsasagawa ang kanilang Regional Director ng kahit ano pang pagsosolicit o panghihingi ng pera sa kahit ano pa mang dahilan.
Hindi rin dapat umano ientertain ang mga ganitong klase ng kahina-hinalang mensahe dahil hindi ito awtorisado ng mismong pangalan na ginamit at malinaw na ito ay paglabag sa batas.
Kung sakali man na makatanggap ng mga kahina hinalang mensahe at may paggamit sa ngalan ng sino man sa kanilang tanggapin ay mabuting isangguni o ireport ito sa kanilang Public Affairs and Information Staff o sa hanay ng National Bureau of Investigation Region 1. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨