𝗟𝗜𝗪𝗔𝗡𝗔𝗚 𝗔𝗧 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔𝗣 𝗛𝗔𝗧𝗜𝗗 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗘Ñ𝗢𝗦, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗨𝗠𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗗𝗔

Patuloy na umaarangkada sa lungsod ng Dagupan ang programang Liwanag at Lingap sa pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan sa tanggapan ng isang senador mula sa nasyonal na gobyerno.

Hatid sa mga Dagupeños ang ilang mga serbisyong medikal tulad ng Consultation at Primary Care Medicines, maging pamamahagi ng mga bitamina at medisina.

Saklaw pa ng serbisyong pangkalusugan ang medical services na kinabibilangan ng Blood Pressure, Oximeter, Pulse Rate, Respiratory Rate, Weight, Temperature at Blood Test tulad ng Fasting Blood Sugar, Uric Acid, Glucose, at Cholesterol.

Patuloy na napapakinabangan ng mga Dagupeños ang mga programang nagsusulong sa kapakanang pangkalusugan alinsunod na rin sa pakikiisa ng lungsod sa pagkamit ng UN SDG. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments