PANGASINAN, LA UNION, ILOCOS NORTE, ISINAILALIM SA MGCQ; DAGUPAN CITY AT ILOCOS SUR AY NASA ILALIM NAMAN NG GCQ

Mula unang araw ng Nobyembre hanggang ika-30 ng Nobyembre, ngayong 2021, sasailalim na sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang mga lalawigan ng Pangasinan, La Union, at Ilocos Norte.

Samantala, ang Lungsod ng Dagupan at lalawigan naman ng Ilocos Sur ay sasailalim sa General Community Quarantine (GCQ) simula Nobyembre 1-30, 2021.

Ito ay ayon sa inanunsyo ng Palasyo sa ginanap na Press Briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque ngayong araw ika-29 ng Oktubre.###


Facebook Comments