𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗣𝗡𝗣-𝗠𝗘𝗗𝗜𝗔 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗦 𝗖𝗢𝗥𝗣𝗦 𝗘𝗟𝗘𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡𝗦, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔

Isinagawa ang Pangasinan PNP-Media Press Corps nito lamang Dec. 5 upang makapagtalaga at kilalanin ang bagong mga opisyal ng PNP-Media Pangasinan.
Nahalal sa pagkapangulo si Hilda Austria mula sa Phil News Agency, sinundan ng bagong halal na bise-presidente na si Badz Agtalao mula sa IFM DAGUPAN, Elsha Arguel ng PIA Pangasinan bilang sekretarya, Eva Visperas ng Sunday Punch bilang Treasurer, Susan Yadao ng DWIZ Dagupan bilang Auditor at Liway Yparaguirre mula sa DWIZ, People’s Journal bilang PRO at Jonathan Ortega ng DWJE Radyo Pangasinan bilang Business Manager.
Ilan pang mga media personalities mula sa iba’t-ibang mga news outlet ang napabilang din bilang Board of Directors ng nasabing organisasyon.

Layon nitong mas mapagtibay pa ang ugnayan sa pagitan ng hanay ng kapulisan at mga mamamahayag o journalists ng lalawigan upang magpatuloy ang pagbibigay ng karapat-dapat, makatotohanan at walang kinikilingang impormasyon particular pagdating sa mga police reports o mga balitang may kaugnayan sa mga aksidente, krimen at iba pang kinakailangang malaman ng publiko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments