Nagbigay ng ibayong paalala ang mga awtoridad sa mga pangasinense ukol sa pag-iingat ngayong unti unting nang nakakaranas ang lalawigan ng pag-uulan.
Ayon sa Pangasinan PDRRMO, siguruhin na may dala dalang payong upang hindi mabasa kung sakali mang umulan, mag-ingat rin umano sa maaaring disgrasya sa kalsada lalo sa mga bahaging madulas.
Kung malakas ang ulan ay mainam na manatili na lamang muna sa loob ng mga bahay lalo kung may pagkulog pagkidlat.
Patuloy rin ang paalala ng awtoridad sa banta ng mga sakit na maaaring makuha tuwing panahon ng tag-ulan kung kaya’t siguruhing may dalang proteksyon araw-araw upang makaiwas at hindi magkasakit. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments