𝗧𝗔𝗧𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗜𝗡𝗙𝗔𝗦𝗧𝗥𝗨𝗖𝗧𝗨𝗥𝗘 𝗣𝗥𝗢𝗝𝗘𝗖𝗧 𝗡𝗚 𝗗𝗣𝗪𝗛 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗞𝗨𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗢 𝗡𝗔

Kumpleto ang konstruksyon ng tatlong infrastructure project sa Pangasinan ng Department Of Public Works and Highways o DPWH.

May kabuuang halaga ang tatlong infrastructure project na ito ng nasa P52.9 million kung saan matatagpuan rin sa tatlong bayan ang mga naturang infrastructure.

Isa ang slope protection sa Barangay Pacuan, Malasiqui na may pondong P14 million, P29 million preventive maintenance at widening naman ng access road sa Barangay San Vicente, Calasiao, at asphalt overlaying project sa kahabaan ng Villasis-Malasiqui-San Carlos Road sa San Carlos City.

Ang tatlong naisagawang proyekto ay may kanya kanyang tulong sa bawat bayan tulad sa pagprotekta sa mga residente ng Malasiqui pagdating sa baha, at pagpapalakas ng access road ng faith tourism sa Calasiao. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments