𝗣𝗔π—₯π—–π—˜π—Ÿ π——π—˜π—Ÿπ—œπ—©π—˜π—₯𝗬 𝗕𝗒𝗬 π—›π—¨π— π—œπ—›π—œπ—‘π—šπ—œ π—‘π—š π—§π—¨π—Ÿπ—’π—‘π—š 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗒𝗦 π— π—”π—›π—¨π—Ÿπ—’π—š π—”π—‘π—š π—žπ—”π—‘π—¬π—”π—‘π—š π—œπ——π—œ-π——π—˜π—Ÿπ—œπ—©π—˜π—₯ 𝗑𝗔 π—›π—”π—Ÿπ—’π—¦ πŸ­πŸ¬π—ž π—›π—”π—Ÿπ—”π—šπ—” 𝗣𝗔π—₯π—–π—˜π—Ÿ 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗑 π—™π—”π—•π—œπ—”π—‘

Humihingi ngayon ng tulong sa publiko ang isang lalaking delivery rider na nawalan ng halagang halos 10, 000 pesos na parcel kahapon sa Barangay Tomeeng-Lipit sa Bayan ng San Fabian.

Sa naging panayam ng IFM News Dagupan kay Jonathan Estrada, rider mula sa bayan ng Mangaldan na nang makapag-deliver siya ng parcel sa isang bahay ay nang pagbalik aniya sa kanyang motor ay wala na ang bag na kinalalagyan ng mga parcel.

Aniya, nilinaw naman nito na walang kahit anong bakas na pinuwersa ang pagkuha sa bag ngunit ibinahagi nito naman nito na may nadaanan itong baku-bakong daan at paakyat kung saan umalog aniya ang kanyang motor kaya hinala niya na doon na nahulog ang bag na naglalaman ng kabuuang P8, 500.

Matapos ang insidente isinangguni nito agad sa Barangay Hall kung saan makikipagtulungan ang barangay upang mahanap ang bag.

Samantala, nakatakdang magtungo ang biktima sa pulisya upang mag-file blotter.

Ibinahagi naman ni Jonathan ang kanyang numero sa sakaling mahanap o may mag magandang loob na magbalik sa naturang bag. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments