𝗛𝗔𝗟𝗢𝗦 𝗦𝗔𝗠𝗣𝗨𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗟𝗔𝗠𝗣𝗔𝗞𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗕𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗪𝗔, 𝗡𝗔𝗠𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗜𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗣𝗢𝗦𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗦𝗜𝗔𝗢, 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Namataan ng mga bystanaders ang isang sawang nakalambitin sa poste sa Barangay San Miguel, bayan ng Calasiao partikular malapit sa isang mall sa bayan kaninang maga-alas otso ng umaga.

Sa naging panayam ng IFM News Dagupan kay Admin Aide I Ronnie Decena ng MDRRMO Calasiao na matapos itawag sa kanila ang sawa ay agad nila itong nirespundehan kung saan nahirapan umano sila na kunin sa taas ang sawa na tinatayang sampung talampakan (10ft.) ang haba nito.

Matapos marespondehan, dinala pa ito sa opisina ng MDRRMO para sa i-turn-over sa DENR na siyang mangangasiwa sa sawa ngunit namatay din dahil sa hinala nila na noong nasa taas pa umano ang ahas ay nakuryente na ito.

Aniya pa, sa hinala nilang nakuryente na sa taas ng poste ang sawa na dahilan ng pagkahina nito.

Samantala, hinala naman ng mga kawani ng MDRRMO na galing ang sawa sa likurang bahagi ng lugar ng poste dahil kakahuyan na ito.

Ayon pa sa mga rumespondeng kawani ng MDRRMO ay lalaki ang sawa at kampante sila na walang naiwang itlog ang nasabing sawa.

Magandang balita anila na walang nasaktan ang sawa ngunit namatay naman ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments