Tuesday, January 20, 2026

𝗣𝗔𝗦𝗢𝗞 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣𝗔𝗡 𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗔𝗥𝗔𝗟𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗡𝗗𝗜𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗘𝗡𝗘𝗥𝗢 𝟮𝟯

Cauayan City – Suspendido ang pasok sa lahat ng tanggapan ng lokal na pamahalaan at paaralan sa lungsod ng Cauayan sa Biyernes, Enero 23, 2026.

Ayon sa kautusan, idineklara ang naturang petsa bilang Special Non-Working Holiday upang bigyang-daan ang aktibong pakikilahok ng mga Cauayeños sa pagdiriwang ng Bambanti Festival 2026.

Layunin ng lokal na pamahalaan na mapalalim ang pagpapahalaga sa pamana, kasaysayan, at tradisyon ng lalawigan, gayundin ang pagkilala sa Isabela bilang sentro ng agrikultura ng bansa.

Nilinaw din na para sa mga pribadong paaralan at establisimyento, ang suspensyon ng klase at trabaho ay nasa desisyon ng kani-kanilang pamunuan.

Samantala, ang Executive Order ay inilabas kahapon, Enero 19, 2026, sa tanggapan ng Municipal Mayor ng Cauayan City, Isabela.

————————————–
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments