Nagpaalala ukol sa Fire Safety ang Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) sa gitna ng lumalalang init ng panahon.
Ayon sa kanila, mainam na makabisado at maisagawa ang SAFETY kung sakaling sumapit ang hindi inaasahang sunog sa mga lugar.
Base sa PDRRMO, ang ibig-sabihin ng SAFETY ay Simulan ang Pagpapatunog ng Fire Alarm; Agad na sumangguni sa mga bumbero; Focus sa sarili, iwasan na makalanghap ng usok; Evacuate ay agad na isagawa; Tumawag sa mga awtoridad at ipaalam ang sunog, at; Yayain ang ibang tao para tumulong sa pag-aapula.
Ngayong buwan ng marso ay pinaiigting ang Fire Safety bilang pakikiisa sa Fire Prevention Month sa buong bansa maging sa lalawigan ng Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments