𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗚 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥 𝗡𝗚 𝗩𝗔𝗡, 𝗕𝗨𝗠𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗟𝗨𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗧𝗥𝗔𝗞

Nagbanggaan ang isang closed van at dump truck sa may kahabaan ng National Road Brgy. Rosario, Pozorrubio dahil nakatulog umano ang driver ng van.

Lumalabas sa imbestigasyon na magkaibang direksyon ang binabaybay ng mga sasakyan. Bigla na lang umanong pumunta sa kabilang linya ang van dahilan ng pagkakabangga nito sa kasalubong na dump truck. Bumaliktad pa ang van sa kanang bahagi nito.

Nagtamo ng multiple injuries sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang drayber ng van at pasahero nito. Aminado ang drayber na nakatulog siya habang nagmamaneho. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments