Thursday, February 12, 2026

𝗣𝗛𝗢 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗜𝗚𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠𝗔 𝗦𝗔 𝗢𝗥𝗔𝗟 𝗛𝗘𝗔𝗟𝗧𝗛 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗧𝗔


‎Cauayan City – Pinagtibay ng Provincial Health Office (PHO) ng Cagayan ang kampanya para sa wastong pangangalaga ng ngipin bilang bahagi ng Oral Health Month 2026.

‎Ayon kay Provincial Dentist Dr. Gilbert Ancheta ng Cagayan, mahalagang maturuan ang mga bata ng tamang pagsisipilyo sa murang edad upang maiwasan ang pagkabulok ng ngipin.

‎Dagdag pa nito, dapat isagawa ang pagsisipilyo gamit ang circular at sweeping motion, tatlong beses sa isang araw, at samahan ng regular na dental check-up. Binigyang-diin din niya ang papel ng mga magulang bilang huwaran sa pagpapanatili ng maayos na oral hygiene.

‎Bilang bahagi ng programa, bibisitahin ng PHO ang mga daycare center, kabilang ang nasa malalayong lugar, upang magsagawa ng demonstrasyon sa tamang pagsisipilyo.

‎Magkakaloob din ng libreng toothbrush, toothpaste, at fluoride application para sa mga batang limang taong gulang pababa.

‎Hinimok naman ang publiko na magpa-dental check-up at oral prophylaxis dalawang beses sa isang taon upang mapanatili ang malusog na ngipin at gilagid.

‎Source: Cagayan PIO
PHOTO: FOR ILLUSTRATION ONLY
————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan

Facebook Comments