COTTAGE OWNERS SA TONDALIGAN BLUE BEACH, RAMDAM ANG MAS KAUNTING DAGSA NG TURISTA NGAYONG TAON

Ramdam ng mga cottage owners sa Tondaligan Blue Beach sa Dagupan City ang matinding pagbagsak ng bilang ng mga turistang nagpupunta sa naturang pasyalan ngayong taon.

Mula sa tinatayang isang libong bisita kada araw sa parehong panahon noong nakaraang taon, bumaba na ito sa humigit-kumulang 300 turista lamang, na direktang nakakaapekto sa kanilang kita.

Ayon sa cottage owners, malaking dahilan ng pagbaba ng bisita ang patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo, na nagpapahirap sa mga turista na pumunta sa Dagupan City.

Sa kabila nito, may ilang grupo gaya nila Kuya Mario mula Nueva Ecija na piniling bumisita pa rin at sinulit ang kaunting tao sa beach.

Samantala, ngayong darating na Semana Santa, umaasa ang mga cottage owners na muling babalik ang sigla ng Tondaligan Blue Beach na dagdag-kita sa kanilang kabuhayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments