𝗣𝗛𝗬𝗦𝗜𝗖𝗔𝗟 𝗔𝗦𝗦𝗘𝗦𝗦𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗔𝗧 𝗖𝗛𝗘𝗖𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗥𝗔𝗙𝗙𝗜𝗖 𝗘𝗡𝗙𝗢𝗥𝗖𝗘𝗥𝗦 𝗡𝗚 𝗣𝗢𝗦𝗢 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡, 𝗧𝗜𝗬𝗔𝗞 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗜𝗦𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔

Nagbigay ng katiyakan ang Chief ng Public Order and Safety Office ng Mangaldan na naisasagawa nila ng maayos ang physical assessment at checking ng kanilang mga Traffic enforcers lalo pa at nito lamang ay dalawa sa mga ito ay sinibak sa pwesto dahil lasing umanong pumasok sa kanilang mga trabaho.

Ayon sa panayam ng IFM News Dagupan kay POSO Mangaldan Chief Gerard Ydia, weekly umano ang kanilang isinasagawang checking at pagpapapunta ng mga enforcers sa infirmary para ma-check kung sila ay physically fit at handa sa kanilang mga ginagampanang trabaho sa gitna ng kakalsadahan.

Nitong nakaraang linggo lamang ay tatlong beses umano silang nagkaroon ng physical check-up para mamonitor ang kalagayan ng kanilang mga kasama sa hanay ng POSO.

Kung hindi rin umano kaya ng isang traffic enforcer ang nararamdaman init sa gitna ng kalsada ay maaari rin naman na sumilong ang mga ito at makapagpahinga dahil hindi naman umano maiiwasan ang tindi ng init ng panahon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments