𝗣𝗢𝗦𝗢 𝗖𝗛𝗜𝗘𝗙 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡, 𝗞𝗜𝗡𝗨𝗠𝗣𝗜𝗥𝗠𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗜𝗕𝗔𝗞 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗪𝗔𝗡𝗜 𝗡𝗚 𝗣𝗢𝗦𝗢 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗚𝗗𝗨𝗗𝗨𝗧𝗬 𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗦𝗜𝗡𝗚

Kinumpirma si Mangaldan POSO Chief Gerard Ydia na may ilang mga POSO enforcer sa bayan ang sinibak dahil sa pagduduty ng lasing.

Sa naging panayam ng IFM Dagupan sa opisyal sinabi nito na matagal na umanong pinagsasabihan ang nasabing mga sinibak na mga enforcer.

Aniya noong nakalipas na taon pa ang iba at kamakailan lamang ang ilan sa tinanggal dahil binigyan naman ang mga ito ng pagkakataon na magbago sana.

Hindi kasi aniya maganda sa imahe ng mga enforcer na magmamando sa mga pangunahing lansangan sa bayan ng Mangaldan kung ang mga ito ay nakainom.

Samantala hindi naman aniya apektado ang duty ng mga enforcer doon kahit may natanggal dahil nag adjust na sila kaugnay dito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments