
βCauayan City – Aktibong nakiisa ang Ilagan Component City Police Station (ICCPS) sa culminating activity ng National Disaster Resilience Month (NDRM) 2025 na isinagawa sa Lungsod ng Ilagan.
β
βPinangunahan ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) ang isang aktibidad bilang bahagi ng kampanya para sa kahandaan at kaligtasan ng komunidad sa panahon ng sakuna.
β
βBilang pagkilala sa aktibong suporta ng Ilagan City Police sa mga inisyatibong ito, iginawad sa kanila ang “Kalasag ng Bayan Award β Partner for Resilience.”
β
βTampok sa aktibidad ang mga interactive challenge tulad ng crime stopper IQ challenge, name that road sign, at name that gadget na layuning palawakin ang kaalaman ng mamamayan sa tamang tugon sa sakuna at krimen.
β
βKabilang din ang tamang bihis, tamang serbisyo para sa tamang pagsuot ng swat at CDM uniform, at target locked, isang shooting challenge gamit ang pellet gun.
β
βPatuloy ang PNP Ilagan sa kanilang paninindigan na maglingkod nang tapat, maagap, at may malasakit para sa kaligtasan ng bawat IlagueΓ±o.









