
Inanunsiyo ng lokal na pamahalaan ng Maynila na ipamamahagi na sa susunod na linggo ang P5,000 fuel subsidy.
Ito’y para sa mga driver ng tricycle, jeepney, bus, motorcycle taxi at Transport Network Vehicle Services (TNVS) na kabilang sa transport sector.
Ang nasabing tulong ay bilang pagtalima sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na mabigyan ng agarang suporta ang mga tsuper ng pampublikong sasakyan na apektado ng oil crisis na dulot ng kaguluhan sa Middle East.
Para masiguro na mabilis at maayos na maipamahagi ang cash assistance, makikipagtulungan ang Manila local government unit (LGU) sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Unang makatatanggap ng tulong ang mga tricycle driver dahil mas madali silang matukoy batay sa listahan na isusumite ng mga LGU.
Habang ang mga TNVS driver naman ay matutukoy base sa listahan na isusumite ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).










