
β
βCauayan City – Patuloy ang paghahanda ng PRC Cauayan sa limang pagsususlit na nakatakdang ganapin sa Lungsod ng Cauayan ngayong taon.
β
βAyon kay Ms. Jessa Saranay, head ng PRC Cauayan, dalawang pagsususlit ang gaganapin sa Lungsod para sa Criminology at Professional Teachers habang isang pagsusulit naman para sa Nursing.
β
βBinanggit rin nito na maayos na ang daloy ng aplikasyon kumpara noong January 05 na umabot sa mahigit 400 applicants.
β
βIpinahayag din nito sa mga nais mag-aapply na dapat ay mayroong online appointment at nabayarang fee, Transcript of Records, Birth Certificate mula sa PSA, at Marriage Certificate para sa mga kasal – mga common documents sa lahat ng professions.
β
βSinabi rin ito na ang nga additional requirements para naman sa bawat profession ay maaaring makita sa kanilang website ng PRC.
β
βMaliban dito, ibinahagi rin nito na isa sa kanilang mga nagiging problema ay ang deadline kung saan tsaka sila dinadagsa ng mga aplikante.
β
βKaugnay nito, nakiusap si Saranay sa mga aplikante na siguraduhing maayos at kumpleto ang mga dokumento para hindi ma-deny o ma-defer ang kanilang aplikasyon.
β
βNilinaw din nito na bukas ang kanilang opisina para sa aplikasyon kahit na hindi sa Lungsod gaganapin ang pagsusulit.
————————————–
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan










