𝗣𝗥𝗖 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟮 𝗠𝗢𝗕𝗜𝗟𝗘 𝗦𝗘𝗥𝗩𝗜𝗖𝗘, 𝗜𝗦𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡

Cauayan City – Magsasagawa ng Mobile Service ang Professional Regulation Commission Region 2 sa lungsod ng Cauayan, bukas ika-30 ng Hulyo, taong kasalukuyan.

Sa ibinahaging anunsyo ng Cauayan City Local Government Unit, nakatakdang isagawa ang paghahatid serbisyo sa FL DY Coliseum.

Kabilang sa mga serbisyong hatid ng PRC ay ang Application for Examination, Initial Registration, Renewal at Duplication ng Professional Identification Card, Certification at Authentication, Stateboard Verification, Petition for Change of Status at Correction of Data o Entries.


Samantala, pinapayuhan naman ang mga aplikante na siguraduhing nakapag set ng online appointment sa kanilang website at piliin ang lokasyon ng FLDY Coliseum bago magtungo sa lugar.

Facebook Comments