Friday, February 27, 2026

𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗚𝗨𝗟𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗠𝗘𝗥𝗞𝗔𝗗𝗢, 𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗕𝗔𝗚𝗢; 𝗞𝗔𝗠𝗔𝗧𝗜𝗦, 𝗕𝗔𝗚𝗦𝗔𝗞 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗣𝗔 𝗥𝗜𝗡

‎Cauayan City – Walang pinagbago ang presyo ng gulay at bagsak presyo pa rin ang kamatis ngayong araw, February 27, 2026 sa Pamilihang Lungsod ng Cauayan.

‎Nasa P40-50 pesos ang talong, ang Okra ay nasa P80 ang kada kilo, ang ampalaya ay nasa P60, sitaw na P100 pesos, siling pansigang na nasa P120 pesos per kilo, at ang kamatis na P20 kada kilo.

‎Para naman sa mga pangrekado, nasa 120 pesos ang luya, 120-160 pesos naman ang isang kilo ng sibuyas, habang ang bawang naman ay nasa 120 pesos ang isang kilo.

Itong ating kamatis ay bagsak presyo pa rin mula noong nakaraang linggo pa kasi nga oversupply.

‎Naglalaro naman sa 240-270 ang ang itlog depende sa klase.

‎Samantala, ang isda katulad ng tilapia ay nasa 170 pesos ang isang kilo, pusit na 240 pesos per kilo, bangus na nasa 240 pesos ang isang kilo; galunggong na 200 ang isang kilo, at salmon head na 160 pesos per kilo.

‎Sa presyo naman ng karne ng baboy, nananatili ito sa 300 pesos kada kilo habang sa karne naman ng baka ay nasa 400 pesos per kilo. Ang manok naman ay nananatiling 200 pesos per kilo.

————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments