𝗣π—₯π—˜π—¦π—¬π—’ π—‘π—š π—œπ—§π—Ÿπ—’π—š 𝗦𝗔 π—œπ—Ÿπ—”π—‘π—š π—£π—”π— π—œπ—Ÿπ—œπ—›π—”π—‘ 𝗦𝗔 π—£π—”π—‘π—šπ—”π—¦π—œπ—‘π—”π—‘ π—•π—¨π— π—¨π—Ÿπ—¨π—¦π—’π—ž 𝗦𝗔 π—§π—”π—§π—Ÿπ—’π—‘π—š π—£π—œπ—¦π—’

Bumaba hanggang tatlong piso ang kada piraso ng itlog sa ilang pamilihan sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa monitoring ng iFM Dagupan sa Mangaldan Public Market, madalas umanong nauubos ang mga mas murang itlog gaya ng tatlong piso at ang kasunod nito na β‚±3.50.

Ayon sa mga tindero ng itlog marami ang suplay ngayon kung kaya’t bumaba ng gusto ng presyo nito sa merkado.

Hindi pa naman matiyak kung hanggang kailan ang bagsak presyo ng nasabing produkto. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments