Bumaba ang presyo ng produktong baboy sa ilang pampublikong pamilihan sa Dagupan City.
Kung dati, naglalaro sa ₱350 hanggang ₱360 ang kada kilo, ngayon ay mangilan-ngilan ang ibinababa ang presyo sa ₱320 hanggang ₱330.
Ayon sa mga meat vendors, bukod daw sa pagkakaroon ng maayos na suplay at produksyon, mataas din daw ang demand nito mula pa noong kasagsagan ng Kapaskuhan hanggang ngayon.
Dagdag pa ng mga ito na kung abutin daw sila ng pagtitinda sa gabi ay talagang ibinababa na sa presyo upang maubos ito.
Samantala, and standard na presyuhan ng produktong karne sa ibang pamilihan ay nasa ₱340 hanggang ₱360. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments