𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗠𝗜𝗠𝗜𝗟𝗜 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗗𝗔𝗚𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗕𝗔𝗚𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗢𝗡

Dinagsa na ng mga mamimili sa Dagupan City ang mga supermarkets at mga palengke, dalawang araw bago ang salubong sa bagong taon.

Ang iba, sinulit na ang pagkakataon na maagang makapunta sa mga pamilihan para maiwasan ang siksikan hahang ang iba naman inabot na ng mahabang pila sa mga cashier areas dahil sa dami ng bumibili.

Simula pa umano nung lunes ay dumoble ang dami ng mga konsyumer sa mga pamilihan, ayon sa ilang empleyado ng mga supermarkets na meron sa lungsod.

Sinusunod pa rin umano nila ang closing time ng kanilang mga pamilihan sa kabila ng dami ng mga namimili ngayon.

Samantala, bantay sarado naman na ng mga hanay ng kapulisan ang mga bahagi sa lungsod lalo na sa mga nagbebenta ng paputok. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments