Nananatiling matatag ang produksyon ng produktong itlog sa lalawigan ng Pangasinan at hindi pa naman naaapektuhan ng el niño phenomenon ayon sa grupong Samahan ng Industriya at Agrikultura o SINAG.
Ayon sa panayam ng IFM Dagupan kay SINAG Chariman Engr. Rosendo SO, inihayag nitong sa ngayon ay hindi apektado ng el nino ang itlog dahil majority ng egg producers ay maganda ang produksyon.
Asahan umanong ang posibleng epekto ng el niño sa produksyon ng itlog sa buwan ng Mayo kung may posibilidad pa umano na mas mainit pa ang panahon sa naturang buwan.
Dagdag pa nito, malaki talaga ang suplay ngayon ng itlog sa lalawigan kung kaya’t nakakapaglabas din ng suplay ang lalawigan sa ibang lugar at may sapat pa rin para sa mga Pangasinenseng konsyumer.
Samantala, nananatiling mababa ang presyuhan sa produktong itlog sa mga pamilihan sa lalawigan at inaasahang magtatagal pa ito hanggang susunod na buwan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨