𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗕𝗔𝗟𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗠𝗕𝗨𝗛𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗛𝗔𝗦, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗦𝗜𝗔𝗢

Humihingi ngayon ng tulong ang ilang mag-anak sa bayan ng Calasiao matapos makakita ng isang dambuhalang pinagbalatan ng ahas sa kanilang lugar.

Sa social media post ng netizen na si Juvy Ann Maningding Flores, nagpapahanap na rin sila ng mga snake hunters na pwedeng makatulong sa paghahanap ng nasabing ahas.

Nasa humigit-kumulang limang metro na kasi ang Haba ng balat ng sawa na halos kasing laki na katawan na tao ang lapad kung saan ay posibleng nawawala pa ang kalahati o kaputol nito nang makita sa kanilang Barangay sa Bued.

Sa pakikipag-ugnayan ng IFM Dagupan ay Flores nangangamba sila Lalo at maraming mga bata sa kanilang compound kung saan nakita ang nasabing pinagbalatan ng ahas.

Ayon sa ilang comments sa post nito posibleng isa itong reticulated python kung saan ay umaasa ang mga residente na mahuli na ito sa lalong madaling panahon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments