𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗛𝗜𝗟𝗦𝗬𝗦 𝗢𝗡 𝗪𝗛𝗘𝗘𝗟𝗦 𝗡𝗚 𝗣𝗦𝗔, 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗥𝗘𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗣𝗔 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗞𝗔𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗥𝗘𝗛𝗜𝗦𝗧𝗥𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗛𝗜𝗟𝗦𝗬𝗦

Dahil sa layuning mas maraming Pilipino ang maabot ng Philippine Statistics Authority (PSA) na makapagparehistro sa Philippine Identification System isang programa ngayon ang patuloy na isinusulong ng ahensiya sa publiko.

Ikinatuwa ni PSA Region I Director Atty. Shiela de Guzman ang pagkakaroon ng programang ito dahil marami ang kanilang nabibigyan ng serbisyo gaya na lamang ng mga “bed ridden” at senior citizen sa rehiyon.

Layunin din ng programang ito kanilang naobserbahan na kakaunti lang ang nagtutungo sa mga site ng registration kaya’t ito inilunsad.

Matatandaang inilunsad kamakailan ang Philsys on Wheels, ay isang programa kung saan bumibiyahe ang ahensiya sa lahat ng munisipalidad sa lalawigan na sumasaklaw sa iba’t ibang barangay at market day sa kanilang pamilihan, gayundin sa mga pampublikong okasyon.

Bukod sa mga lugar na ito ay ang sabay-sabay ding pagsasagawa ng mobile registration sa mga paaralan at opisina.

Hinihayat ng opisyal ang publiko na hangga’t maaari ay makipagkaisa sa programang ito dahil para rin naman ito sa kanila. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments