𝗣𝗥𝗢𝗝𝗘𝗖𝗧 𝗔.𝗕.𝗞.𝗗 𝗟𝗘𝗖𝗧𝗨𝗥𝗘, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔

Cauayan City – Pinangunahan ng Isabela Explosive Ordnance Disposal and Canine Unit ang talakayan kaugnay sa kaalaman sa mga bomba sa mga estudyante.

Ang aktibidad ay ang Project A.B.K.D o ang Awareness of Bombs that Kill Lives and Destroy Properties na layuning magbahagi ng kaalaman patungkol sa iba’t-ibang uri ng bomba at sa panganib na maaari nitong idulot.

Nakilahok sa talakayan ang mga estudyante mula sa Isabela State University Roxas Campus, at FDN Integrated Farm.


Bukod sa mga kaalaman patungkol sa mga bomba, ibinahagi rin ng Isabela EOD ang mga nararapat na gawin ng publiko katulad ng identification ng mga mga kahina-hinalang gamit na posibleng maiugnay sa bomb threat, at kung paano ang gagawing pag re-report sa mga ito.

Facebook Comments