Cauayan City – Binigyang buhay ng 1st Isabela Police Mobile Force Company ang kanilang proyektong PNP Handog ay Pa2big Para Sa InyO o ang PROJECT H2O, sa Sitio Pili, Brgy. Tappa, San Mariano, Isabela.
Pinasinayaan ang nabanggit na proyekto kung saan layunin nitong matulungan na magkaroon ng malinis na suplay ng tubig ang lugar na dating kuta ng mga miyembro ng Counter Terrorist Groups (CTG).
Naging posible ang Project H2O dahil sa inisyatibo at pagtutulungan ng 1st IPMFC katuwang ang National Commissions on Indigenous People San Mariano, LGU San Mariano, at iba pang partner agencies.
Kasabay ng inagurasyon at nagsagawa rin ng medical and dental mission, libreng eye check-up at reading glasses, pamamahagi ng libreng mga damit, at food packs kung saan nabenipisyuhan ang mga residente ng nabanggit na barangay.