Para sa layuning mas pagtibayin ang proteksyon sa data privacy ng Pamahalaang Panlalawigan ng La Union (PGLU) isinagawa ang isang pagsasanay para rito.
Pinangunahan ang pagsasanay na ito ng Provincial Government ng La Union (PGLU), Office of the Provincial Governor-Information and Communications Technology Unit (OPG-ICTU) at sa tulong ng Department of Information and Communications Technology Region I (DICT-1) kung saan galing ang mga ito sa iba’t ibang Opisina ng PGLU at District Hospital ang nakibahagi sa pagsasanay at workshop upang higit na maunawaan ng mga ito ang kahalagahan ng proteksyon sa data privacy sa pamamagitan ng Video Conferencing.
Ibinahagi ni Mark Anthony Portabes, Data Privacy and Cybersecurity Advocate at DICT Certified Trainer ukol sa Data Privacy Protection and Cybersecurity ang ukol sa R.A 10173 na mas kilala bilang Data Privacy Act of 2012, na Declaration of Policy along with its Goals, Principles, and Guidelines; the Rights of Data Subject Respected; the Imposition of Penalties; the Data Privacy and Security Measures Implemented; at ang Data Privacy Act of 2012 Rules and Standards.
Samantala, biniyang diin ang kahalagahan ng paghawak ng sensitibo at pribadong data na kung hindi ito maayos na nahawakan o naalagaan ay maaaring humantong sa mga multa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨