𝗧𝗥𝗔𝗜𝗡-𝗙𝗢𝗥-𝗪𝗢𝗥𝗞 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗢𝗔𝗚, 𝗜𝗡𝗜𝗟𝗨𝗡𝗦𝗔𝗗

Inilunsad ang isang training-for work program o ang Peace and Community Empowerment (PACE) sa may bayan ng Manaoag, nitong ika-9 ng Enero.

Ang naturang programa ay naglalayong makapagbigay tulong sa mga nangangailangan o nagnanais magkaroon ng trabaho.

Ang proyekto para sa mga benepisyaro ng programa ay sasailalim sa labinlimang araw na pagsasanay sa larangan ng pagmamason at pagkakarpentero.

Samantala, pinasinaayan ang programa sa Camp Lt Tito B Abat sa bayan ng Manaoag na dinaluhan naman ng mga benepisyaryo nito mula sa mga probinsya ng Tarlac, Bataan, Zambales, at Pangasinan.

Naisakatuparan ang programang ito sa pamamgitan ng 702nd Infantry Brigade na pinangunguhana ni Brigader General Gulliver Señires at ang Career Builder Skills Training and Assessment Center, Inc. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments