𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢, 𝗛𝗜𝗡𝗜𝗠𝗢𝗞 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗧𝗜𝗣𝗜𝗗 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗕𝗜𝗚 𝗞𝗔𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗡𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗨𝗠𝗜𝗜𝗥𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗘𝗟 𝗡𝗜𝗡𝗢 𝗣𝗛𝗘𝗡𝗢𝗠𝗘𝗡𝗢𝗡

Hinimok ngayon ng awtoridad ang publiko sa gawaing pagtitipid ng tubig kasunod ng banta ng umiiral na El Nino Phenomenon sa bansa.
Ayon sa pamunuan ng DOST, posibleng makaranas ang ilang probinsya sa bansa ng tagtuyot sa unang quarter ng taong 2024.
Nasa 77% ng mga lalawigan ang maaaring makaranas ng drought habang 7% naman ay posible sa dry spell.

Alinsunod dito ang mga hakbangin na kinakailangang maisagawa bilang paghahanda sa mga magiging epekto ng El Nino sa susunod na taon.
Samantala, maging sektor ng agrikultura ay kabilang sa mga magiging apektado kung patuloy na tumindi ang pag-iral ng El Nino. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments