𝗕𝗜𝗡𝗔𝗧𝗔, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬 𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗢𝗔𝗚

Arestado ang Isang bente dos anyos na binata matapos itong mahulog sa ikinasang buy bust operation sa bayan ng Manaoag.
Ang suspek ay nakilalang si Mark Anthony Lordios residente ng Urdaneta City.
Ikinasa ang buy bust operation laban sa suspek pasado alas tres ng madaling araw sa Barangay Inamotan na nagresulta sa pagkakakumpiska sa suspek ng apat na sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa suspek. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments