𝗙𝗥𝗘𝗘 𝗠𝗔𝗦𝗦 𝗩𝗔𝗖𝗖𝗜𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗬𝗢𝗣 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗜𝗦𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗬𝗢

Isasagawa ang Free mass vaccination sa mga alagang hayop ng mga residente sa mga barangay sa Dagupan City ngayong buwan ng Mayo.

Alinsunod ito sa patuloy pa rin na kampanya ng lokal na gobyerno para maiwasan ang pagkalat ng rabies at mabigyan ng tamang atensyon ang mga alagang hayop.

Isa din ito sa paraan upang maiparating sa mga may ari sa mga alagang hayop ang ukol sa responsible pet ownership.

Simula May 7 2024, sunod-sunod ang mga libreng vaccination program para sa mga alagang hayop kung saan uumpisahan sa Barangay 1 at ilan pang tukoy na barangay tulad ng sa Salisay, Tebeng, Mangin, Bacayao Norte, Bacayao Sur, Tambac, Lasip Chico, Bolosan, at Malued. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments