Monday, March 23, 2026

𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗬𝗨𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗜-𝗥𝗘𝗣𝗢𝗥𝗧 𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗚𝗟𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗢𝗜𝗟 𝗣𝗥𝗜𝗖𝗘 𝗛𝗜𝗞𝗘 𝗦𝗔 𝗚𝗔𝗦𝗢𝗟𝗜𝗡𝗔𝗛𝗔𝗡

‎Cauayan City – Hinikayat ng Department of Energy (DOE) ang publiko na agad iulat ang anumang hindi inaasahang pagtaas ng presyo sa mga gasolinahan upang maiwasan ang posibleng overpricing.
‎Ayon sa ahensya, maaaring gamitin ang eGov PH App upang mabilis na maiparating ang mga reklamo sa kinauukulan. Layunin nitong mapabilis ang aksyon laban sa mga paglabag at maprotektahan ang mga mamimili.
‎Sa pamamagitan ng app, kailangan lamang buksan ang Report feature, piliin ang Gas Station Concerns, at ilagay ang kumpletong detalye tulad ng presyo, petsa, oras, at lokasyon ng insidente bago isumite ang ulat.
‎Binigyang-diin ng DOE na mahalaga ang partisipasyon ng publiko sa pagmo-monitor ng presyo ng produktong petrolyo upang maiwasan ang pang-aabuso at mapangalagaan ang kapakanan ng mga konsyumer.
‎Source: Department of Energy Philippines
Facebook Comments