𝗣𝟭𝟱𝟬-𝗞 𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗞𝗔𝗟𝗢𝗢𝗕 𝗡𝗚 𝗗𝗦𝗪𝗗 𝗦𝗔 𝗣𝗘𝗢𝗣𝗟𝗘’𝗦 𝗢𝗥𝗚𝗔𝗡𝗜𝗭𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡



‎Cauayan CITY — Tumanggap ng ₱150,000 na tulong-pinansyal mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region II ang Balanni Alliance for Peace and Development, isang people’s organization na nakabase sa Barangay Centro, Solana, Cagayan, sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng ahensiya.

‎Pinangunahan ni DSWD Region II Director Lucia Suyu-Alan ang pamamahagi ng pondo na isinagawa sa pakikipagtulungan ng 17th Infantry Battalion. Tinanggap naman ang tulong ng mga miyembro ng organisasyon sa pangunguna ng kanilang pangulo na si Mauricio Aguinaldo.

‎Ayon sa DSWD, ang pondong ipinagkaloob ay ilalaan sa pagtatayo ng kulungan ng kambing na magsisilbing pangunahing puhunan ng kanilang proyektong pangkabuhayan. Inaasahang ang goat farming ay makatutulong sa pagpapalakas ng suplay ng pagkain, pagdaragdag ng kita, at pag-angat ng kabuhayan ng mga benepisyaryo at kanilang mga pamilya.

‎Binigyang-diin din ng ahensiya ang kahalagahan ng maayos at ligtas na pasilidad sa pangangalaga ng mga alagang hayop upang mapataas ang produksyon at matiyak ang pangmatagalang tagumpay ng proyekto.

‎Layunin ng Sustainable Livelihood Program na ihanda ang mga people’s organization upang maging mas matatag, sapat sa sarili, at aktibong makapag-ambag sa pangmatagalang pag-unlad ng kanilang komunidad.
‎—————————————

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan

Facebook Comments