๐—ฃ๐Ÿฎ๐Ÿด๐Ÿฌ๐—ž ๐—›๐—”๐—Ÿ๐—”๐—š๐—”, ๐—œ๐—ก๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—”๐—ก ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ฆ๐—ง๐—ฅ๐—˜๐—˜๐—ง๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—›๐—ง๐—ฆ

CAUAYAN CITY- Puspusan ang paglalagay ng mga streetlights sa madidilim na bahagi ng Brgy. Tagaran sa Lungsod ng Cauayan.

Sa naging panayam ng IFM New Team kay Brgy. Kagawad Daniel Acob, nasa isang daan at walumpoโ€™t limang street lights ang natapos ng mailagay sa kanilang lugar.

Aniya, nasa dalawang daan at walompung libong piso ang inilaang badyet para rito kung saan sunod na ilalagay ang apatnapuโ€™t anim na streetlights sa Purok 7 sa mga susunod na araw.


Layunin ng proyekto na mabigyan ng karagdagang seguridad at kaligtasan ang mga mamamayan sa anumang kapahamakan.

Facebook Comments