Thursday, February 5, 2026

π—£πŸ―π—ž 𝗙𝗒𝗒𝗗 𝗖π—₯π—˜π——π—œπ—§π—¦, π—œπ—•π—œπ—‘π—”π—›π—”π—šπ—œ 𝗦𝗔 π— π—šπ—” π—•π—˜π—‘π—˜π—£π—œπ—¦π—¬π—”π—₯𝗬𝗒 𝗦𝗔 π—§π—¨π— π—”π—¨π—œπ—‘π—œ

β€ŽCauayan City – Inilunsad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 2 sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Tumauini, ang Redemption Day ng Walang Gutom Program (WGP).

β€ŽSa ilalim ng programa, bawat benepisyaryo ay tumatanggap ng β‚±3,000.00 buwanang food credits, na inilalagay sa kanilang Electronic Benefit Transfer (EBT) cards.

β€ŽAng mga food credits na ito ay maaaring gamitin sa mga tindahang aprubado ng DSWD.

β€ŽPinahihintulutan ng Walang Gutom Program ang mga benepisyaryo na malayang pumili ng masustansyang pagkain mula sa iba’t ibang kombinasyon ng carbohydrates, protina, prutas, at gulay, upang masiguro ang sapat at balanseng nutrisyon para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

β€ŽAng nabanggit na programa ay flagship initiative ng National Government na naglalayong labanan ang involuntary hunger sa pamamagitan ng pagbibigay ng monetary-based assistance upang matulungan ang mga benepisyaryo na maging mas produktibong mamamayan.

β€ŽSource: Bayan ng Tumauini

————————————–
β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β€Ž#985ifmcauayan
β€Ž#idol
β€Ž#numberone
β€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments