𝗣𝟯𝟳𝟰𝗞 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗛𝗔𝗕𝗨, 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗕𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗚𝗛 𝗩𝗔𝗟𝗨𝗘 𝗧𝗔𝗥𝗚𝗘𝗧 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡

Arestado sa bisa ng search warrant ang isang high value target sa sariling bahay nito sa Brgy. Embarcadero, Mangaldan, Pangasinan dahil sa illegal na droga.

Kinilala ang suspek na 42 anyos at isang businessman.

Ikinasa ang buy bust operation sa tahanan nito bandang alas dose ng madaling araw kung saan nakumpiska ang 55 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P374, 000.

Ayon sa awtoridad matagal nang minamanmanan ang suspek dahil sa talamak na pagsusuplay nito ng ilegal na droga sa ikatlo at ikaapat na distrito ng Pangasinan.

Isasailalim sa drug testing ang nakompiskang hinihinalang shabu sa Provincial Forensic Unit.

Nasa kustodiya ng pulisya ang suspek na haharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments