𝗣𝟰 𝗠𝗜𝗟𝗬𝗢𝗡, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡 𝗚𝗨𝗜𝗟𝗟𝗘𝗥𝗠𝗢

CAUAYAN CITY- Matagumpay na naipamahagi sa mga AKAP beneficiaries mula sa bayan ng San Guillermo, lalawigan ng Isabela ang kanilang financial assistance.

Ang nasabing payout ay pinangasiwaan ni Isabela 6th District Representative Congressman Faustino Inno Dy V katuwang ang DSWD-SWAD team Isabela.

Umabot naman sa 400 ang nabenepisyuhan ng nasabing programa na kung saan nasa P4 milyon ang kabuuang naipamahagi sa nabanggit na aktibidad.


Umaasa naman si Cong. Dy na sa pamamagitan ng halagang ito ay matutugunan ang iba pang pangangailangan ng mga benepisyaryo para sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan.

Facebook Comments