𝗣𝟴𝟵-𝗠 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗙𝗟𝗢𝗢𝗗 𝗖𝗢𝗡𝗧𝗥𝗢𝗟 𝗣𝗥𝗢𝗝𝗘𝗖𝗧, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗡𝗔

CAUAYAN CITY – Bilang pagpapalakas ng depensa sa baha, natapos na ng DPWH-Isabela 2nd District Engineering Office ang flood control project na may habang 731.60 linear meters sa Barangay Simimbaan, Roxas, Isabela.

Sa ulat ni District Engineer Jose Tobias, malaking tulong ang naturang proyekto sa limampung pamilya.

Aniya, hindi lamang tahanan ng mga residente sa barangay ang mapoprotektahan ng flood control project, ngunit maging ang mga ari-arian, palayan at alagang hayop.


Pinondohan ng mahigit P89-M ang proyekto sa ilalim ng 2024 DPWH Regular Infrastructure Program.

Facebook Comments