
Cauayan City – Nagsagawa ng random sampling activity ang Watershed Management Section sa Barangay Taliktik, Cordon, Isabela bilang bahagi ng kanilang regular monitoring at evaluation para sa mga natapos na reforestation projects.
Layunin ng aktibidad na matukoy ang survival rate ng mga punlang itinanim sa nasabing lugar.
Sa pamamagitan ng pagsukat sa bilang ng mga tumubo at nabuhay na punla, masusuri ang tagumpay ng proyekto at matitiyak kung kailangan pa ba itong dagdagan o i-maintain.
Ang datos na makakalap mula sa nasabing sampling ay magiging batayan ng mga susunod na hakbang sa maintenance at pagpapaunlad ng mga kahalintulad na proyekto sa buong watershed area.
Ipinapakita ng inisyatibong ito ang dedikasyon ng ahensya sa pagsusulong ng pangmatagalang proteksyon sa kalikasan at responsableng pamamahala sa mga watershed.
Sa pamamagitan ng mga datos na nakalap sa aktwal na pagsusuri, mas magiging epektibo ang mga desisyon para sa kapaligiran.









