Itinaas na ang Red Alert Status sa Ilocos Region bilang paghahanda sa Bagyong Kristine.
Base sa forecast track ng PAGASA, tatawid si Bagyong Kristine sa Ilocos Region na posibleng maging exit point ng bagyo.
Nagsagawa na ng pre-disaster risk assessment meeting katuwang ang mga member agencies ng RDRRMC 1.
Naghahanda na rin ang lokal na Pamahalaan sa rehiyon maging ang mga rescue unit sa posibleng epekto ng bagyo.
Kahapon, isinailalim na ang Pangasinan sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 na ngayon ay nasa Signal No. 2 na. Gayundin, kasalukuyan pa ring nakataas ang gale warning sa mga baybaying sakop ng probinsya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments