π—₯π—˜π—šπ—œπ—¦π—§π—˜π—₯ 𝗔𝗑𝗬π—ͺπ—›π—˜π—₯π—˜ 𝗣π—₯π—’π—šπ—₯𝗔𝗠 π—‘π—š π—–π—’π— π—˜π—Ÿπ—˜π—– π—£π—”π—‘π—šπ—”π—¦π—œπ—‘π—”π—‘, π—œπ—Ÿπ—¨π—Ÿπ—¨π—‘π—¦π—”π—— 𝗑𝗔

Ilulunsad na ng Commission on Elections (COMELEC) Pangasinan ang Register Anywhere Program (RAP) nito sa lalawigan kasabay ng muling pagbubukas ng Voter’s Registration sa ika-12 ng Pebrero.

Ayon kay COMELEC Provincial Election Supervisor Atty. Marino Salas, tatanggap diumano ang mga itinalagang opisina ng RAP ng serbisyong magparehistro para sa mga botanteng hindi pa rehistrado kahit na sila’y taga-ibang lugar.

Dagdag pa, iaalok din sa programang ito ang pagsasaayos ng mga maling impormasyon, transfer of registration, pagpapalit ng civil status at pagpapareactivate ng kanilang status bilang botante, kahit na sila’y hindi residente sa mga itinalagang RAP stations.

Ayon kay Atty. Salas, ang tanggapan nila’y pasisinayaan ang programang ito sa Capital Town na Lingayen at sa apat na lungsod sa lalawigan, ang mga lungsod ng San Carlos, Urdaneta, Dagupan, at Alaminos.

Samantala, hinihikayat ng COMELEC ang mga hindi pa rehistrado na magparehistro na upang kanilang maisagawa ang kanilang karapatang pumili sa darating na halalan sa 2025.

Ang pagpaparehistro ay muling magbubukas sa ika-12 ng Pebrero at magtatagal hanggang ika-31 ng Agosto ngayong taon. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments