𝗕𝗜𝗡𝗔𝗧𝗔, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥 𝗔𝗧 𝗕𝗨𝗦 𝗦𝗔 𝗨𝗥𝗗𝗔𝗡𝗘𝗧𝗔 𝗖𝗜𝗧𝗬

Dead-on-arrival sa pagamutan ang isang disi otso anyos na binata sa naganap na aksidente sa Urdaneta City.

Kinilala ang biktima na si Harry Antimano residente ng Barangay Anonas sa nasabing lungsod.

Ayon sa imbestigasyon, sakay ng kanyang motor ang biktima pasado alas tres ng madaling araw ng bigla umanong mapunta sa linya ng kasalubong na bus ang motor ng biktima na naging dahilan ng banggaan.

Bunsod nito ay nagtamo ng matinding sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima na agad namang naisugod sa pagamutan subalit idineklarang dead-on -arrival. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments